📱 Gabay sa App
Lahat ng kailangan mong malaman sa HRP Race Cards, sa isang page. Pindutin ang paksa:
📲 I-install ang app
Para hindi mo na kailangang tandaan ang link, ilagay ang HRP Race Cards sa home screen ng phone mo. Libre ito at hindi kailangang i-update — laging pinakabago ang makikita mo.
- Android (Chrome): pindutin ang 📲 I-install ang app sa itaas. Kung wala, pindutin ang ⋮ sa kanang itaas ng Chrome → Add to Home screen o Install app.
- iPhone (Safari): pindutin ang Share ⬆️ sa ibaba → Add to Home Screen → Add.
Hanapin pagkatapos ang icon na HRP Cards (asul na “C”) sa home screen mo.
↑ Bumalik sa itaas🛒 Bumili ng race card
- Sa Buy, i-tsek ang race cards na gusto mo para sa race day.
- Pindutin ang Bumili, tapos 📲 Kunin ang payment details.
- Magbayad sa GCash (tingnan sa ibaba), tapos pindutin ang Nakabayad na ako.
⏳ Pre-order: puwede mo nang bayaran kahit hindi pa available ang race card. Kusang lalabas ito sa My Cards pagka-upload namin. Bukas ang bentahan hanggang 7 PM ng race day.
↑ Bumalik sa itaas💸 Magbayad sa GCash
Dalawa ang paraan — piliin ang mas madali sa iyo:
- OPTION 1 · QR code — i-save ang QR, tapos sa GCash: QR → Upload QR.
- OPTION 2 · Send Money — kopyahin ang GCash number namin at i-Send Money.
🤝 Nakigamit ng GCash (hal. ng asawa o kaibigan)? Piliin ang Nakigamit lang ako ng GCash at ilagay ang Ref. No. na nasa receipt.
Inaaprubahan ang bayad mula 7 AM hanggang 11 PM. Kusang mag-a-update ang order page pag approved na.
↑ Bumalik sa itaas💳 Prepaid
Mag-load nang isang beses sa GCash, tapos gamitin pambili ng kahit anong race card — isang tap lang at makukuha agad, kahit gabi.
- Load: ₱100, ₱200 o ₱300. 🎁 Sa ₱300, may LIBRENG ₱20 — ₱320 ang magagamit mo.
- Hindi nag-e-expire buwan-buwan. Mawawala lang ang balance kung 90 araw kang hindi nagbukas ng app habang naka-login.
- Hindi ito puwedeng i-cash out o i-refund.
🎟️ My Race Cards
- 👁️ View — basahin agad sa phone, kahit walang PDF app. Sa Paceline, gamitin ang Jump to Race para diretso sa karera.
- ⬇️ Download — i-save ang PDF sa phone mo.
- Makikita ang race cards dito sa loob ng 30 araw pagkatapos ng race day. I-download kung gusto mong itago nang mas matagal.
- May ✏️ correction? Kusang papalitan namin ang file at may paalala sa iyo — buksan ulit lang.
🎯 YOPI Tips
Mga personal na picks ni YO PI — bonus para sa mga bumili ng race card para sa race day na iyon.
- 1st / 2nd Pick — pick sa bawat karera.
- ⭐ One for the Day — puwedeng solohin sa WTA.
- 🚫 False Favorite (DNG) — huwag kunin kahit paborito.
Madalas isa o dalawa lang ang tips sa buong araw. Makikita rin ang resulta ng mga nakaraang tips.
↑ Bumalik sa itaas💬 Message HRP
May tanong o problema? Pindutin ang Message sa ibaba. Puwedeng mag-attach ng picture. Puwede ka ring mag-message mismo sa order page mo (“May tanong? I-message si HRP”).
↑ Bumalik sa itaas📊 HRP Database
Sa database.horseracingph.com, makikita ang record ng bawat kabayo at Head-to-head.
❓ Mga madalas itanong
Nakabayad na ako pero hindi pa approved.
Karaniwang ilang minuto lang (7 AM hanggang 11 PM). Siguraduhing eksakto ang halagang binayaran mo. Kung matagal na, i-message kami sa order page.
Mali ang halagang naibayad ko.
Hindi ito kusang maa-approve. I-message kami sa order page kasama ang Ref. No. para maayos namin.
Nag-expire ang order ko pero nakabayad na ako.
Huwag mag-alala — kusang maa-approve pa rin pag natanggap namin ang bayad. Kung hindi, i-message kami.
Nakalimutan ko ang PIN ko.
Sa Login, pindutin ang Nakalimutan ang PIN?. Ive-verify ka namin sa Messenger at bibigyan ng pansamantalang PIN, tapos gagawa ka ng bago.
Hindi ko mabuksan ang PDF.
Gamitin ang 👁️ View sa My Cards — mababasa ito mismo sa app, walang PDF app na kailangan.
Kailangan ko bang i-update ang app?
Hindi. Laging pinakabagong bersyon ang bumubukas.